Story cover for He's into Mr. Naughty      [BL | SPG] by Stylusking
He's into Mr. Naughty [BL | SPG]
  • WpView
    Reads 3,192
  • WpVote
    Votes 90
  • WpPart
    Parts 10
  • WpView
    Reads 3,192
  • WpVote
    Votes 90
  • WpPart
    Parts 10
Ongoing, First published Jun 14, 2020
Mature
Ang akala ni Ashton ay normal lang sa lalaki ang maging adik sa sex. Ngunit, lingid sa kanyang kaalaman ang pagkakaroon niya ng Hypersexual Disorder. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay magiging ka-roommate niya si Zach, isang working student na ang pokus lang ay makapagtapos ng pag-aaral para maiahon sa hirap ang kanyang ina.

Ano ang mangyayari sa kanilang kwento?
All Rights Reserved
Sign up to add He's into Mr. Naughty [BL | SPG] to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
PICTURES OF THE PAST by JamCabredo
59 parts Complete Mature
AUTHOR'S NOTE: Na-inspired ako magsulat ulit dahil sa Sutos at ilang mga Thai Bi/Gay Drama. Ang kwentong ito ay hindi "SPG" type. Dahil nilalayon kong gumawa ng kwentong makapagsasalaysay ng totoong nararanasan, iniisip at nararamdaman ng mga kapatid nating LGBT. Hindi ko man mailahad, matumbok at mabuhos sa kwentong ito ang "buong" isipan, damdamin at karanasan ng mga LGBT friends natin... kahit papaano ay maka-relate man lang sana ang ilan sa inyo. Habang ginagawa ko ito ay naiisip kong sana ay makapagpalabas din ng drama o seryeng katulad ng Sotus sa Pilipinas... Ang kwentong ito ay gawa-gawa ko lamang. Anumang pagkakatulad nito sa kahit kaninong karanasan sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng may-akda. SYPNOSIS: Si Jake ay bagong transfer sa Malaya National High School. Bilang isang transferee o bagong estudyante sa bagong paaralan, naranasan niyang matahin at maliitin -- sa pangunguna ni Red Lopez. Tila galit ang lalaki sa kanya sa di niya malamang kadahilanan. Ginawa niya ang lahat para patunayan ang sarili at ipakita kay Red ang mga bagay na kaya niyang gawin. Ginamit niyang inspirasyon ang 'pangmamaliit' sa kanya ng lalake upang makilala siya't maging maimpluwensyang estudyante sa paaralang iyon. (Teka... Ginamit lamang ba niya ito bilang inspirasyon o talagang inspired siya kapag nakikita ito?) Hanggang sa unti-unti niyang natutuklasan ang itinatagong sikreto ni Red Lopez... Subalit hindi niya alam, gumagawa din ng paraan si Red Lopez upang matuklasan din nito ang tungkol sa tunay niyang pagkatao... At sa pagpapatuloy ng pagkatuklas na iyon ay tila kasabay naman ang pagkatuklas nila sa kanilang totoong nararamdaman... sa isa't-isa???
One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy) by Kinnohn
51 parts Complete Mature
Naranasan niyo na bang sumakay sa Ferris wheel? 'Diba kapag sumakay ka dito ay medyo walang sigla ka pa dahil nasa ibaba ka pa lang? Ngunit kapag nagsimula na ang pag-andar at pag-akyat ng tsubibo ay nabubuo ang ating pagkasabik at kasiyahan. Doon maihahantulad ang buhay at buhay pag-ibig ni Ace. Nagmistulang malungkot ang pagsampa niya, ngunit halos nagbago ang lahat na may nakasabay siya. Kasabay ng pag-akyat ay ang pagsaya ng buhay ni Ace at nang marating ang tuktok ay pakiramdam na nasa alapaap ang huli pero kapag sumakay ka sa ferris wheel ay umiikot kaya 'pag narating mo na ang itaas ay awtomatik na ikaw ay bababa, ngunit isa sa pinakamasakit doon ay ang kasama niya sa pagtaas at nanatili sa itaas habang siya ay naiwang malungkot sa pagbaba. Pero parang buhay, maraming pagkakataon na animo'y tiket sa tsubibo. Muling sumakay sa ferris wheel/tadhana si Ace at lubos na ikinagulat nito ng mayroong sumabay sa kanya, ang tanging lalaking minahal at kinamuhian niya. Sa pag-andar ng tsubibo ay nanumbalik ang pakiramdam nila sa isa't-isa, ngunit andoon ang takot at pangamba na maari siyang maiwan muli na nag-iisa at malungkot o kasama parin niyang mananatili sa itaas o sabay din sila sa paglagapag sa ilalim. Ang pagbibigay ng isang pang pagkakataon ay parang sugal at walang mali doon, ang mali lang kapag ikaw ay nasobrahan sa paglalagay ng taya ng walang itinitira sa iyong sarili. Isang huling oras ang kailangan sa tamang panahon, oras at tadhana para sa pagmamahal na tatagal ng pang habang buhay.
You may also like
Slide 1 of 9
A World Of Our Own (BoyxBoy) cover
His Dad Is My Professor (COMPLETED) cover
PICTURES OF THE PAST cover
Desiring My Prof. And His BF cover
Daddy (Book 4) ✓ cover
THAT LOVE WAS BIZZARE  cover
Salamin cover
One Last Time (My Everything Series) (BoyxBoy) cover
Something Scandalous (R18/SPG) cover

A World Of Our Own (BoyxBoy)

43 parts Complete Mature

This is a BL Story Para kay Greg, ang bangungot ng kanyang nakaraan ang siyang naging dahilan para isarado niya ang kanyang puso. Puso na ngayo'y natutulog at nakahimlay dahil sa sakit na kanyang natamo mula sa dating niyang kasintahan. Dating kasintahan na labis niyang minahal at pinaglaanan ng matinding oras at panahon. Pero paano kung may taong dumating at magbigay ng rason para muling buksan at gisingin ang natutulog niyang puso? Taong ipaglalaban ka sa mapangmatang lipunan. Taong magpaparamdam ng totoo at tapat na pagmamahal na kahit kailan ay hindi matutumbasan nino man. May muling babalik, may hahadlang, may tututol sa dalawang lalaking nagmamahalan. Ngunit makakaya kaya nilang lampasan ang mapaglarong tadhana? Paano kung malaman niya ang totoong katauhan ng taong natutunan na niyang mahalin? Kasusuklaman niya din ba ito katulad ng pagkamuhi niya sa mga taong nagdulot sa kanya poot at paghihinagpis? Magkaiba man ng mundong pinanggalingan, mananaig pa din ang pag-ibig at walang hanggang pagmamahalan.