Si Mac Romer ang legitimate child ng pinakamayamang negosyante sa Pilipinas. Kahit siya na ang Presidente ng Chua Group of Companies ay hindi pa rin siya nagiging kampante sa kanyang pwesto, lalo na at may dalawang bastardo ang kanyang ama. Sina Jacinth Jude at Don Cezar. Dumating nga ang araw na kinababahala ni Mac Romer ng ipatawag siya ng Amang may sakit para sabihin sa kanya na hindi ibibigay sa kanya ang Chairman position hangga't hindi siya mag-aasawa sa loob ng isang buwan! Para maisakatuparan ito, pumili si Mac Romer sa mga babaeng nagdaan na sa kanya na pwedeng maging asawa hanggang sa maibigay lamang sa kanya ang posisyon na pinakaaasam niya. Paano kung ang huling nasa listahan niya ay si Jocille Cervantes, ang babaeng unang nagpatibok sa kanyang batang puso noon ngunit una ring nagwasak nito. Susugal ba siya ulit dito?
35 parts