"Nangyari na ang malagim na sakuna ng mga buwan." Panahong 1500s, Sinaunang Pilipinas. Isang di maipaliwanag na sakuna ang lumaganap sa lupain ng Bai-lon nang makain ang anim sa pitong buwan sa langit. Ito ay naging sanhi ng pagkamatay ng maraming mamamayan. Ngunit hindi lang nito kinikitil ang buhay ng mga tao, Ang sumpang ito ay bumubuhay ng mga bangkay upang maging kampon ng Dagat-Ahas na si Bakunawa. Makalipas ang ilang taon, isang nagdadalamhating asawa ng huling datu ng Amiling na si Ibuna ang nagpasyang maging tagapagtanggol ng kanyang nasasakupan. Siya na ang tutupad sa napagkasunduan ng kanyang angkan at ng bathaluman. Magawa nya kayang mapaslang si Bakunawa upang maibalik ang mga buwan sa langit at ang katahimikan sa kanyang lupain? Copyright © 2016 - Eclipse: the Lunar Catastrophe (Translated version, written by Lora Lopez/ MilkteaFriday)