Matapos maging in a relationship sina Kana Starks at ang kanyang nakablind date na si Lenin Artres ay iba ang sayang naramdaman ni Kana. Halos umikot na ang kanyang mundo sa lalaking kabiyak hanggang sa may mabasa siyang istorya patungkol sa 7-year itch. Ito ay patungkol kung saang taon naghihiwalay ang dalawang nasa relation. Maraming nagpatunay na totoo ito ayon sa mga kumento nila sa istorya. Sumiklab ang kaba sa di malamang dahilan. Agad iwinakli ang negatibong iniisip. Pinangako niya sa sarili na hindi matutulad sa kwentong ito ang kanilang relation. Hanggang sa dumating na ang kanilang ika pitong anibersaryo at...