Kinilabutan ako nang makita ko ang itsura nya. Hawig na hawig nya yung lalaking napaginipan ko. Maging ang boses ay parehas. Hindi ko namalayan na nakatulala nalang at hindi ko rin alam na umiiyak na ako sa harapan ng estranghero. May kung anong pakiramdam sa akin na nagkokonekta sa aming dalawa. Natauhan ako nang bigla syang magsalita muli. "Sabi ko naman sa'yo, babalikan kita"