Sabi ng ilan, perfect guy doesn't exist para naman sa iba "The Perfect Guy" si Dylan Allen Avila. Nasa kanya na nga siguro ang lahat, pagiging matalino, matulungin sa kapwa, mabait, maalaga at higit sa lahat pinahahalagahan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig. Bonus na lang talaga ang natural niyang kagwapuhan. Kung may "The Perfect Guy", syempre meron ding "The Perfect Girl", walang iba kundi ang kasintahan nyang si Gwyne Gonzales. Oh diba? bagay na bagay talaga sila. E ako? Wala isang hamak lang na kaibigan ni Dylan. Simula high school magkaklase na kami at doon din nagsimula ang pagmamahal ko sa kanya na hindi dapat. Bakit hindi dapat? Kasi lalaki din ako, ako si Mico Caldwell at alam kong mahirap para sa iba na tanggapin ang ganito kong katayuan. This is where my unordinary love begins.
1 part