Dahil sa katarayan, naisumpa si Rafi, kasama ang limang kaibigan. Ang tanging solusyon para mawala ang sumpa ay ang makasal sila bago sumapit ang phenominal Super Moon. Sa sobrang pagkadesperada, pati online dating site ay pinatos na ni Rafi. Pero lahat ng effort nya, laging epic fail.
Sa isa sa mga misadventure ni Rafi, na-meet niya si Paeng, isang simpleng lalaki na nagtatrabaho sa cafe. Oo, hindi mayaman si Paeng, bukod pa sa hindi kagandahan ang pangalan, pero single naman at gwapo. Kaya naisip ni Rafi na gawin itong potential husband. Ang kaso, tinanggihan nito ang alok niya, not just once but twice! Pati ang half a million pesos na offer niya, no deal ang sagot ni Paeng.
Mas naging pursigido tuloy si Rafi na makuha ang kooperasyon ng lalaki. Pero problem solved naman pala, dahil nalaman niya na matagal na siyang ipinagkasundong ipakasal ng mga magulang. Hindi na niya kailangan ang tulong ng pakipot na si Paeng.
Pero may panibagong sumulpot na problema: sa isang apat na M- Matandang Mayamang Madaling Mamatay - pala siya ikakasal! Kaya um-exit si Rafi sa kanilang mansyon. Nagkita ulit sila ni Paeng at tinulungan siya nito.
Mukhang si Paeng na talaga ang ibinigay ng tadhana at umasa siyang sila hanggang sa huli. Pero may nadiskubre si Rafi na sumira sa inaakala niyang happy ending. Paano na siya?
Rorie is forced to marry Raf by dire circumstances. Because as cliché as it is, Raf can only save the sinking ship- their down to the drain company. Pero ang nakakainis lang, bakit siya pa? At bakit sa ampon pa ng pamilya nila? Raf isn't even from a prominent family who can save their company. Isa lang itong ampon na pinag-aral ng papa niya. He is just a nobody who made it to the top because of them.
Ang nobody ay isang somebody na ngayon.
Pero pano kung bigyan siya ng pagkakataon na ibalik ang nakaraan?
Pano kung bigyan siya ng time machine at baguhin ang lahat?
Pero pano kung... bumalik siya, bumalik ang ex niya, bumalik ang pinsan niyang dapat ipapakasal kay Raf?
Pano kung ma-realize niyang everything happens for a reason?
Pano kung ma-realize niyang... ito pala yung kailangan niya?
And it was already too late?
Will she lose him?