Sabi nila, pinakamasaya raw ang High School.
Dito ka raw makakatagpo ng mga tunay na kaibigan, kakaibang experiences, at love life. Dadaan ka raw sa stage of awkwardness, impulsiveness - lalo na kung freshman ka. Uso ang mga emo, ang mga jejemon. e0w pHowz, bEh. Uso rin na mas kumpleto pa ang vanity kit ng mga lalaki sa klase mo kesa sa'yo, mas malalaki pang bote ng polbo ang dala nila kesa sa dala mo.
Masaya raw ang high school.
Marami kang mararanasan.
Iiyak ka. Tatawa ka. Mauutot ka. Mangungulangot ka sa klase. Magchecheating ka. Magdadala ka ng cellphone kahit bawal. Makakapagpaiyak ka ng teacher, paiiyakin ka ng teacher. Magkakacrush ka. Mang-iistalk ka. Magkakagf/bf. Magkakahiwalay kayo, maglalalaslas ka. Makikipagholdinghands ka sa ilalim ng lamesa tuwing Algebra. Mapapanutan ka sa First Monday. Iiwan mo lahat ng gamit mo sa locker, ballpen lang laman ng bag mo. Tatambay sa McDo, magpapaaircon ka lang. Magkacut-class ka. Maninigarilyo ka sa tapat ng patio ng simbahan. Tatraydurin ka ng kaibigan mo. Mag-eeskandalo ka sa hallway. Masisiraan ka ng sapatos, ng ulo, ng buhok. Tatlong araw kang gising, bagsakan pa grades mo. Maglalasing ka, masususpend ka. Makikick-out ka.
Makakaranas ka ng pagiging zombie.
Ng pagiging sikat.
Ng pagkabigo.
Ng pagkainlove.
Ng pagkaheartbroken.
kEri nAh p2nAyHan 2. kHasZi, nArHanAhsZhan k0h.
Ito ang storya ko.
Ikaw? Anong high school story mo?
(c) 2015
Mga paasa. Umasa. Nasaktan. Nainlove. Na fall. Nagsawa. Nafriendzoned. Na HaHaZoned. Na seenzoned. NaMayweatherzoned. Nangako. Napako. Naiwan sa ere. Nang iwan sa ere. Mayabang. Down to earth. Possesive. Selosa. Seloso. Bitter. Sweet. Famous. Papansin. Walang magawa. Walang love life. Walang baon. Walang pera. Walang isip. Walang bagong damit. Walang ka-chat. Loner. Feelingero. Assuming. Nganga. Bagsak sa math. Playboy. Malandi. Makulit. Pasaway. Maharot. Malikot ang kamay. Mabait.
Para sa lahat ng ka edad ko at sa lahat ng taong naiirita na sa 'walang forever'. You are all free to read.