Noli Me Tangere

Noli Me Tangere

  • WpView
    Membaca 16,199
  • WpVote
    Vote 243
  • WpPart
    Bab 71
WpMetadataReadLengkap Sen, Des 28, 2020
WpInfo
Non-fiksi
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang inilatha ni Dr. Jose Rizal. Naisulat ito dahil sa adhikain ng manunulat na mabuksan ang kamalayan ng mga Pilipino sa totoong pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. ©
Seluruh Hak Cipta Dilindungi Undang-Undang
#121
joserizal
WpChevronRight
Bergabunglah dengan komunitas bercerita terbesarDapatkan rekomendasi cerita yang dipersonalisasi, simpan cerita favoritmu ke perpustakaan, dan berikan komentar serta vote untuk membangun komunitasmu.
Illustration

anda mungkin juga menyukai

  • Noli Me Tangere (1887)
  • Noli Me Tangere
  • Yu & Ai (1886) | Completed
  • El Filibusterismo Script {Tagalog}
  • EL FILIBUSTERISMO
  • Noli Me Tangere
  • Noli Me Tangere ✔
  • Noli Me Tangere (Role Play Script)
  • He's My Boss (Book 1) Completed
  • El Filibusterismo (Buod/Pahiwatig ng Bawat Kabanata)
  • El Filibusterismo
  • Noli Me Tangere Script {Tagalog}
  • El Filibusterismo Script
  • Noli Me Tangere: Ang Kabanata 1 - 64
  • Life and Works of Dr. Jose P. Rizal
  • Ang Buod ng "Noli Me Tangere"
  • Noli Me Tangere

Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito at "huwag mo akong salingin" ang ibig sabihin nito. Kinuha ito ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan: 20: 13-17 sa Bibliya na tumutukoy kung paano pinagsusuot ng mga patalastas ang mga may ketong upang lubayan sila ng mga nakakasalubong nila. Mas madalas itong tinatawag na Noli; at ang salin sa Ingles nito ay Social Cancer. Sinundan ito ng El Filibusterismo, isa pang nobela ni Jose Rizal. Kasaysayan Unang nobela ni Rizal ang Noli Me tangere. Inilathala ito noong 26 taong gulang siya. Makasaysayan ang aklat na ito at naging instrumento upang makabuo ang mga Pilipino ng pambansang pagkakakilanlan. Sa di-tuwirang paraan, nakaimpluwensiya ang aklat ni Rizal sa rebolusyon subalit si Rizal mismo ay isang nananalig sa isang mapayapang pagkilos at isang tuwirang representasyon sa pamahalaang Kastila. Sinulat sa wikang Kastila ang Noli, ang wika ng mga edukado noong panahong yaon. Sinimulan ni Rizal ang nobela sa Madrid, Espanya. Kalahati nito ay natapos bago siya umalis ng Paris, at natapos ito sa Berlin, Alemanya. Inilaan ni Vicente Blasco Ibáñez, isang bantog na manunulat, ang kaniyang serbisyo bilang tagapayo at tagabasa. Ang nobela ni rizal ay tumatalakay sa mga kingisnang kultura ng Pilipinas sa pagiging kolonya nito ng Espanya. Binabatikos din ng nobela ang mga bisyo na nakasanayan ng mga Pilipino at ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko na nahihigit pa ang kapangyarihan ng mga lokal na alkalde. Bumuo ng kontrobersya ang nobelang ito kung kaya't pagkatapos lamang ng ilang araw na pagbalik ni Rizal sa Pilipinas, tinanggap ni Gobernador-Heneral Terrero sa Malacañang at inabisuhang puno ng subersibong ideya ang Noli. Pagkatapos ng usapan, napayapa ang liberal ng Gobernador Heneral ngunit nabanggit niya na wala siyang magagawa sa kapangyarihan ng simbahan na gumawa ng kilos laban sa nobela ni Rizal.

Detail lengkap
WpActionLinkPanduan Muatan