Simpleng buhay na puno ng pangarap yan ang buhay na mayroon si Analiyah, sa kagustuhang matupad ang mga pangarap sa sariling pagsisikap at makilala ng lahat, may isang bagay na kung sa ibang tao ito ay pinaka-mahalaga pero sa kanya isa itong sagabal sa pangarap na nais niyang makamtan at yun ay ang"pag-ibig". Natatakot siyang maramdaman ito dahil takot siyang masaktan dahil para sa kanya ang pag-ibig ay hindi lang puro kasiyahan at kilig, may kakambal din itong sakit at kalungkutan dahil kapag ika'y umibig handa ka dapat masaktan at ito ang kanyang kinatatakutan.Takot magmahal dahil takot na masaktan at takot na dahil sa pag-ibig hindi niya maabot ang kanyang mga pangarap, PERO paano kung isang araw biglang sumulpot sa kanyang buhay ang isang estranghero na naging parte na ng buhay niya noon paman ngunit ang mga alaala ng kahapon ay hindi na niya maalala, ang pag-ibig nito para sa kaniya na hindi kumukupas mula noon hanggang ngayon ang siyang magpapagulo ngayon ng tahimik niyang mundo. Ito ay isang kwento ng dalawang tao na patuloy umaasa na nasa ikalawang pagkakataon maitama na ang mga mali at ang kanilang pag-iibigan ay magpapatuloy na hanggang sa huli at masayang magwawakas ngunit paano kung maulit muli ang pagkakamali tulad noon?Ito na ba talaga ang kapalaran nilang dalawa? o patuloy na aasa ng pagkakataon mabago lang ang nakatakda para sa kanila? Date Written: June 5,2020 Date Finished: