Handa ka na bang mamatay at pumatay alang-alang sa pag-ibig? Anong gagawin mo kung ang mga taong pinili mong pahalagahan at mahalin ay ang magiging dahilan pala ng iyong pagkawala sa mundong ibabaw? Magmamahal ka pa rin ba o mas pipiliin mo na lang na mahalin ang iyong sarili? Gagamitin mo pa ba ang alas mo o isusuko na lamang ang natitirang baraha? Family, Friendships, Hatred, Insecurities, Lies, Revenge, Sacrifices, Promises, Secrets, and Death... Paano iikot ang salitang 'LOVE' sa mga salitang ito? Kakayanin mo kayang maka-survive alang-alang sa love? Tunghayan ang pagmamahal ng mga estudyanteng mula sa mataas na paaralan ng Twilight Academy na handang harapin at maging si Kamatayan makamit lamang ang pag-ibig na inaasam.