"Patawarin nyo po ako pero hindi ko po kayang bitawan si Ella. M-Maniwala man kayo o hindi pero sinubukan ko...sinubukan ko syang bitawan pero ako din ang kusang humabol sa kanya! Para syang gravity na kahit na anong g-gawin kong paglayo...kusang sa kanya at sa kanya pa rin ako bumabagsak. Kung wala sya, para akong lumulutang sa kawalan, walang maramdaman at walang patutunguhan. Para syang hangin na nagbibigay buhay sakin. Para syang tubig na pumapatid sa uhaw na nararamdaman ko sa tuwing wala sya sa tabi ko. Para syang apoy dahil napapawi nya ang lamig sa puso ko, sya ang nagbigay sakin ng tunay na kahulugan ng salitang kasiyahan. At para syang lupa na nagpapatibay sakin para humarap sa lahat, nagbibigay tapang sakin na humarap sa inyo" itinaas nya ang ulo nya at buong pagsusumamo syang tumingin sa mga magulang nya. "Sa madaling salita...sya ang buhay ko...si Ella ang buhay ko...na kapag pinili ko syang bitawan, para ko na ding pinatay ang sarili ko sa pinakamasahol na paraan. At higit kaninuman, kayo ang higit na dapat makaalam sa nararamdaman namin ni Ella dahil naranasan at nararanasan nyo ang magmahal" garalgal na ang boses nya dahil sa pagpipigil na umiyak. "Mahal ko sya. Mahal na mahal!" ---Grey Jackson
26 parts