
Tatlong letra pero napakahalaga Hindi nagiging madali sa kanila Ang pagiging isang ama Gagawin ang lahat para sa pamilya Inuuna ang kapakanan ng pamliya Bago ang iba Bawat Pawis, ito'y tinitiis Bawat Pagod, nilalakasan ang loob Bawat hakbang iniisip ang kapakanan Sapagka't ito'y para sa kinabukasan At sa pinapangarap na inaasam Pasaway man minsan Pero hindi nila tayo pinapabayaan Nagkakasala man minsan Pero lagi parin tayong pinapayohan Kaya dapat natin silang pasasalamatan Kung may pagkukulang man sila Iintindihan na lng natin sila Hindi naman lahat ng bagay Ay kayang ibigay Nakakapagsalita man minsan ng masakit Huwag na lang natin idibdib Hindi mabilang ang sakripisyo na kanilang ibinigay, Kaya karapat dapat natin silang ipagpugay Dahil kung wala ang semilya nila Hindi na sana tayo nabuhay Kaya habang buhay pa sila sa mundong ito Igalang natin sila at irespeto Alagaan at iparamdam natin Ang pagmamahal sa kanila Tatanda rin sila sa mundong ito Kung may malaking kasalanan man tayong nagawa humingi tayo ng kapatawaran Dahil kapag mawala na sila sa mundong ito Ala-ala na lng ang matitira at ito'y iyong pagsisihan...All Rights Reserved
1 part