Mahirap Masakit Ang hirap makalimot at makaalis sa nakaraan Kahit na lumipas na ang maraming taon, nanatili pa rin ako sa nakaraan, nakaraang pilit akong kumakawala, mga kadenang pilit akong ibinabalik. Ngunit paano mo nga naman lilimutan ang unang beses na napangiti ka niya, ang unang beses na sinabihan ka niyang mahal ka niya, ang unang beses na pinaramdam niya sayo ang tunay na saya. Ngunit pano mo nga din naman lilimutin ang kauna unahang pag kakataon kung saan ay sinaktan ka niya, kung paano naubos ang mga luha mo, kung paano nadurog nang paunti unti ang pusong mong buo. Totoo pala na kung sino ang nag papasaya sayo ay siya rin ang mananakit sayo. Paano ka uusad, kung hindi ka makaalis sa nakaraan mo?pano ka uusad kung nakakulong ka sa masakit nyong nakaraan.
1 part