Maginoo pero suplado? Kadalasan ay walang modo? Well, meet the ghoster ang multong hindi alam kung nasaan siyang mundo. Simula ng maitapak ni Tiara ang kaniyang paa sa mansiyon ng kaniyang Lola sa Ama ay hindi lang puro kilabot ang dinanas niya. Impit na gustong bumalik sa siyudad dahil lang sa pagkaimbyerna nito. Mainitin ang ulo, maattitude pa sa iyo. Isang madaling araw ang nagpabago at nagpagulo ng kaniyang buhay ng biglang may lumagapak na isang dumadaing na bulto sa kaniyang kuwarto. Paano kung maglandas ang kanilang magkaibang kinagisan na mundo? Magkakaintindihan pa ka ya sila nito? Kung siya lang naman ang tanging babae ang nakakakita sa multong ito. Hindi siya naniniwala sa mga kaluluwa na hindi pa makaalis sa mundo dahil may huling misyon pa ito. Ngunit lagi niyang napapagtanto na may kailangan ang multong iyon. Tutulungan niya kaya ito? E...isa pa naman siyang walang awa na sadista sabi nga ng multo. "Makinig kang mabuti Leonel maaring mong maipag-patuloy ang inyong henerasyon, maaring kang magka-anak, ngunit.....pagkatapos mong mamatay ang iyong kaluluwa ay mananahan sa mundong ito at mabubuhay lamang ito sa pagkalipas ng ilang dekada sa pamamagitan ng babaeng magdadala ng iyong anak."