Rae-n..pangalan ng isang simpleng dilag na masayahin at masipag. Mabait, masunurin at responsable sa pamilya. Palagi siyang makikitang nakangiti at tumatawa pero di niya matatago ang dilim sa mata. Ang lamlam nito gaya ng makulimlim na panahon sa tag ulan. Kapag natulala ito ay makikita mo ang nagbabadyang pagpatak ng luha gaya ng sa ulan. Ulan na kanyang pangalan, ulan din na rason ng kanyang kalungkutan.. Ulan din kaya ang magiging rason sa pagbalik ng kislap sa kanyang mga ngiti? Magbago kaya ang buhay niya sa pagkakita niya ng isang gitara? Ito ang simula ng Soul Series na magpaparanas ng masaya ngunit madaliang pagbuhos ng pag-ibig gaya ng ulan.