Bagong lipat pa lang si Victoria Aragona sa tinitirhan niya sa Maynila at galing siyang probinsiya na mag-isang lumipat dahil sa trabaho sa isang kilalang restaurant bilang isang Manager. Na-assign siya sa Maynila sa mas malaking restaurant ng boss niya dahil sa talino at galing niya na pinanghihinayang ng kanyang boss na sa maliit lang na restaurant gagamitin at pumayag rin siya upang makaranas ng panibagong pakikipagbaka sa siyudad at malayo na muna sa probinsiyang kinalakhan. Subalit sa panibagong buhay na kanyang tinatahak ay isang lalaking na may katangian hahangaan ng marami ang nakakuha ng atensiyon niya. Nagta-trabaho ang lalaki sa kabilang building at palaging kumakain sa restaurant na pinangangasiwaan niya at sa tuwing ito ay kumakain ay may mga titig ito mula sa kanya na nagpapahulog sa kanyang natutulog na damdamin. Ano nga kaya ang ibig sabihin ng titig na iyon mula sa lalaki? May pagtingin nga kaya ito sa kanya o isang kapahamakan lang ang dulot niyon?
More details