[An Epistolary: Completed] Dear Friend, Gusto na kita. ──────────────────── 'Pag kaibigan, kaibigan lang. 'Yan ang madalas na sinasabi ng mga taong hindi naniniwala sa friends to lovers trope. Iyong mga ayaw at natatakot mawalan ng kaibigan oras na magkagusto o umamin sila. Madalas, sila rin 'yong mga diring-diri kapag inaasar sila sa kaibigan nila. Pero ibahin niyo si Sherrian Kist. Ang babaeng walang takot na pinili ang take the risk kaysa sa lose the chance. Dahil ano nga bang mali roon kung hindi naman kayang turuan ang puso kung sinong gugustuhin nito? Wala. Kaya kaysa magsisi ay pinili niyang sumugal sa hindi niya alam kung may patutunguhan ba.
More details