May mga kaluluwang hindi matahimik at nandito pa rin sa ating mundo dahil sa iba't ibang kadahilanan. Maaaring humuhingi sila ng katarungan, may mga mahal sila ng katarungan, may mga mahal sila sa buhay na hindi maiwan-iwan, nalilito pa rin sila hanggang ngayon, o nangangailangan sila ng kapatawaran. Anuman ang dahilan kung bakit kapiling pa rin natin sila, isa lamang ang mahalaga. Hindi natin sila dapat katakutan. Bagkus, kaawaan natin sila at ipagdasal na sana ay makatuwid na sila sa kabilang mundo. Ang mga kwento sa aklat na ito ay tinipon hindi lamang upang takutin ag aliwin ang mga mambabasa, kundi pati narin bigyan sila ng babala at mahahalagang aral. Ang iba rito ay tunay na nangyari at pinatotohanan ng maraming tao, habang ang ilan naman ay bunga ng malilikot na pag-iisip. Basahin mo ang mga kwentong ito na nagmula pa sa iba't ibang panig ng mundo, kabilang na ng pilipinas. Sinasalamin ng mga ito ang yaman ng bawat kultura at ipinahihiwatig ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga paniniwala. Matatakutin ka ba? Sukatin mo ang tibay ng iyong dibdib at basahin ang aklat na ito. Ngunit, sandali lang...sino iyang nasa iyong likuran? Hala ka!