Paano kung isang araw, yung taong nananatiling naniniwala sayo biglang nawala sayo?
Yung sandalan mo, yung mahal mo, yung takbuhan mo bigla nalang nawala, at hindi mo na kailanman makikita.
Paano kung hindi kayo ang naghiwalay sa relasyon niyo pero si kamatayan ang mismong nagpahiwalay sainyo?
Ang relasyon at samahan niyo na paulit ulit niyong binubuo at pinapatatag, sa isang iglap ay si kamatayan lang ang nakasira.
"You will always be in my heart... because in there, you're still alive"
Bakit nga ba kung sino pa yong taong kinaiinisan, siya pa yong taong nakatadhana sayo?
Tadhana nga ba o sadyang ipinahiram lang sayo pero hindi mananatili sa tabi mo?
Kung pipiliin ang kamatayan, sasabihing mahina ka pero pag pinili mong mabuhay sasabihing nagpapakahirap ka pa eh sa kamatayan lang din naman mapupunta ang lahat ng paghihirap mo.