Sa pag-ibig, parang ang boring naman kung alam mo na agad yung mga susunod na mangyayari sa inyong dalawa.
Pero minsan naman, ang hirap naman kung wala ka man lang idea sa mga bagay-bagay.
Kaya kapag wala kang idea sa kung anu man ang meron sa inyo, o kung ano na ang mangyayari, hindi mo maiiwasan ang mag-isip..or should I say....
mag-imagine.
Masarap mag imagine. Yun bang..parang nangangarap ka nang gising.
Minsan hindi maganda ang nai-imagine natin kaya papasok na dyan ang 'best part'...
yun ang "nakakakilig" na imagination.
Yung tipong mapapangiti ka na lang habang tulala ka .
Ang sarap sa feeling.
Pero minsan, masama rin sa kalusugan kapag ginawa na nating HOBBY ang pag-imagine.
Dahil sa imagination na yan, nagagawa nating umASA.
Umaasa tayo na mangyayari din sa atin kung ano man ang mga nasa imahinasyon natin.
Masarap umasa, pero pag sumobra na....nakakaSAKIT na.
Masasaktan na tayo, pero kahit na gustuhin mong hindi umasa...
HINDI mo na maiiwasan.