"Ito ba ang tinatawag niyong pag-ibig? Anong klaseng pagmamahal ang meron kayo? Wow, ang galing naman pala ng pag-ibig, parang magic, putang ina, magic ba ang tawag nuyo dito? Hindi ba kayo nakokonsensya, binigyan niyo kami ng buhay na kahit sino dito sa mundo ay ayaw maranasan? Bakit ba kasi gumagawa kayo ng desisyon na alam niyo namang sa una't sapol, pagsisisihan niyo naman sa huli... Diyos ko naman oh...." - Joshua
Hello, sa mga wattpad readers, maraming salamat dahil binigyan niyo ng pagkakataon na basahin ang istorya ng buhay ko. Itago niyo na lang ako sa pangalang Joshua, actually, hindi ko totoong pangalan, wala na kasi akong ibang mapaglabasan ng sama ng loob kundi ang ballpen lang at papel... Ngayon, ipapakilala ko ang sarili ko sa inyo pero isa lang po ang hindi totoo... Ang mga pangalan ng tauhan sa istorya na ito, iniba ko ang pangalan para di masyadong obvious...
Ako si Joshua Monteligro, anak ni Lucas Monteligro at Eva Monteligro, merun akong 4 na kapatid at ako ang bunso... Merun din akong dalawang pamangkin ngayon at isang kapatid sa labas...
Ako, naniniwala talaga ako sa pag-ibig, pero dahil sa problema sa pamilya, unti-unti itong naglaho at hindi ko na alam kung paano ko pa ito paniniwalaan ulit... Ito lang ang masasabi ko sa inyo, huwag kayong umasang may happy ending ang mangyayari sa kuwentong ito, dahil habang buhay pa ang taong sumira sa buhay ko, patuloy ang mga pasakit at ang pagdaloy ng ilog sa batis...
Sana po ay maenjoy niyo po ang mga pasakit ng buhay ko...
Uulitin ko po, maraming salamat dahil inadd niyo po ito sa library niyo at dont forget to vote and comment every chapter of my life...
Thank you
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw siya 'di siya pina-abort ng nanay niya nung nabuntis siya ng tatay niya. Pero araw-araw din naman sa kanyang pina-mukha 'yun...
Hanggang isang araw, napagod na siya at lumuwas na sa Maynila. Bahala na. Kahit wala siyang kilala roon, kahit hindi niya alam kung saan magsisimula. Basta mahalaga, malayo na siya sa nanay niya.
Pero mali pala siya... maling-mali.
Sa Maynila, nandun lahat ng mapagsamantalang tao. Sa Maynila, nandun lahat ng manloloko. Sa Maynila, nandun lahat ng manggagamit sa kanya...
Gusto niya nang mawalan ng pag-asa.
Mabuti na lang dumating siya.