Korona Kayamanan Kapangyarihan Kasamaan Kamatayan Para sa iba ang pag-upo sa trono't suot-suot ang Korona ang siyang pinakamalakas,na kahit anong antas sa lipunan ay kayang kaya nitong pabagsakin at wasakin. Kayamanan at Kasamaan ang taglay ng pagiging makapangyarihan ay walang katumbas na pagiging immortal sa balat ng lupa, na kahit ang kamatayan ay hinding-hindi siya maaring ibaba. Sapaglipas ng panahon ay bumagsak ito't naitanim na lamang ito sa isip ng mga tao na parang isang masamang panaginip. At muling magiging madugo sa pagdating ng isang personalidad na siyang magiging banta sa mga tao. At muling mai-susuot ang Korona't mauupo sa trono, mahahawakan ang ninais na Kapangyarihan at muling maisasagawa ang madilim nitong binabalak. Muling babalutin ng dugo ang PAARALAN. Ang paaralang magsisilbing impyerno sa lahat ng taong nag-aaral at nagtuturo rito. At ang Paaralan na iyon ay ang INFERNUM UNIVERSITY.