Napabuntong hininga ako bago ako bumaba ng eroplano. Mahigit 8 years din ako sa ibang bansa. Ayoko na sanang umuwi kaso eto kasing sila mommy at daddy nakakahiya daw kung hindi ako pupunta sa kasal ng pinsan ko. Heto ako ngayon pinipilit kong tanggalin ang lakas ng kaba na nararamdaman ko dahil alam ko magkikita kaming muli. Ngunit sisiguraduhin ko na hindi na ako mahuhulog uli.