Dahil sa pagrerebelde sa magulang ay napilitang maglayas ni Francias ng isang gabi at magtago sa kotseng nakaparada sa school nila. Pinili niyang pagtaguan ang pinakabulok na kotseng nakita sa parking area dahil hindi iisipin ng kanyang bodyguard at driver na bibigyan man lang niya ito ng pansin. Saktong nakabukas ang pinto ng kotse at bahagyang nakababa ang bintana nito, pagpasok sa loob ay isang bag na pagkalakilaki ang itinabing niya sa katawan upang walang makapansin sa kanya doon. Ang hindi inaasahan ng dalaga ay gumising na wala na siya sa school kung hindi nasa biyahe kasama ang pinakanerd at pinakatahimik niyang kaklase. -jeiCEee