Dayari (Diary) - isinusulat dito ng isang manunulat ang kanyang mga pang-araw-araw na nararanasan. Maaaring pisikal, emosyonal, mental, sosyal o kahit pa ma'y ispiritwal.
Dyornal (Journal) - dito naman tinatala ang mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga nadarama, mga naiisip at kung ano-ano pa.
Aba! Akalain mong may pagka-iba pala ang dalawang ito?
Sa Diary, mga itinatala o isinusulat mo ang nararanasan mo sa araw-araw o kung ano pa man ang nangyayari sa buhay mo.
Sa Journal naman, parang andaming kakaiba. Pansariling gawain? Mga reflection? Mga nadarama? Mga naiisip?
Osige. Ganito ang gagawin ko. Ang Dyornal na tinatawag nyo.
Ang diary kasi ay may pagka-pribido. Eh ang gusto ko ngang gawin.. ito.. Ang dyornal.
Ito kasi ay maaari mong ibahagi sa iba.. ipabasa sa iba kung ito'y gugustuhin mo.
Kaya nga.. basahin nyo nalang 'to. Kung interesado kayo.