(COMPLETED) Iba't-ibang kwento ng buhay ay nagtagpo ang mga landas. Unang pagkikita ay hindi naging maganda. Puro pag-aaway at bangayan kapag nagkita-kita. Matapos kaya sila sa pag-aaway? O hanggang sa makapagtapos sila ng pag-aaral ay gan'on parin? Pero bawat isa ay parehong may pinagdadaanan. Parehong hindi alam ang sagot sa mga katanungan. Parehong nalilito sa kung ano ang nakaraan. Masagot kaya ang kanilang mga katanungan kapag nagtagpo ang mga landas nila? Sa pamamagitan kaya ng isa't-isa ay makikilala na nila ang tunay na pagkatao nila?