Did you ever wonder why life even exists? or, wonder what your purpose in life is?
Walang makakasagot ng mga tanong iyan, kundi ikaw. Ang sarili mo.
Lahat ng tao ay may misyon sa buhay at rason kung bakit nabubuhay. May mga taong alam na kung ano ang misyong ito, meron rin namang patuloy na hinahanap ito. Minsan, kailangan muna nating malaman kung sino ba talaga tayo upang malaman kung ano ba talaga ang purpose kung bakit tayo nabubuhay. Pero, paano kung di natin alam kung sino ba talaga ang sarili natin? Paano natin makikilala ang sarili natin?
Habang patuloy ang ating pagtanda, patuloy rin nating nakikilala ang sarili natin. Sa tulong ng mga taong nakapaligid sa atin, mas napapalawak natin ang ating kaalaman tungkol sa sarili. Pero, paano kung ang mga taong nakapaligid sa atin, ang mismong hahatak sa atin pababa? Na imbes na mas makilala natin ang sarili natin ay mas bumababa pa ang tingin natin sa sarili. Nawawalan ng tiwala sa sarili. At aabot sa punto na, tatanongin mo ang sarili mo kung bakit ba ako nabubuhay? Ano nga ba ang purpose ko sa buhay? Bakit ako nandito sa mundong ito? Bakit pa ba ako pinanganak? Sino ako?
WHO AM I
At dahil ang mundo ay nabababalutan ng misteryo, hindi natin alam kung saan tayo dadalhin ng tadhana. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari bukas o sa susunod na mga araw o taon. May pagkakataon pa ba tayong makikilala ang sarili natin? O huli na ba ang lahat para makilala kung sino ba talaga tayo?
Babala: Ang sumusunod na mga storya ay gawa-gawa lamang at maaaring hango sa totoong buhay. Kung meron man naapektuhan dahil sa mga storya na ito ay di ko po sinasadya. Maraming Salamat.
All Rights Reserved