Isang umaga. nalaman ni Jerlyn Revilla na nawawala ang kanyang nakababatang kapatid na si Jepoy. Nadagdag sa kanyang pag-aalala nang malaman niyang nanganganib ang buhay nito. At natuklasan niya na sa isang malayong isla ito nagtungo. Kailangan niyang sundan ang pinakamamahal na kapatid upang iligtas ito sa kapahamakan. Ngunit sa islang iyon, nakilala niya ang isang estrangherong tutulong sa kanya sa paghahanap kay Jepoy. Dito nagsimula ang samu't saring pangyayari na sa unang pagkakataon ay naranasan ni Jerlyn. Dito rin nagsimula ang kanyang buhay pag-ibig.
More details