Daylio: How Are You? (LGBTQ+) [Published as "Dayloh" under Paperink Publishing]
48 parts Complete Del Valle High Series # 1
[COMPLETED] - PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE
Sa gitna ng walang patid na pagkalungkot sa buhay, kahit isang tapik lang ng pagkumusta ay malaki nang bagay. Lahat tayo ay mayroong kaniya-kaniyang hinagpis na pinagdaraanan, at mayroon tayong iba't ibang mga paran kung paano natin ito masosolusyunan. Gayunpaman, ang lahat ng bigat ay maaaring maibsan kung mayro'n kang taong mapagkikwentuhan-masasandalan. Pa'no kung hindi pala tao ang hinahanap mong tampulan ng lungkot?
Ganito na lang ang naging tugon ng binatilyong si Allen sa kaniyang sitwasyon. Sa sobrang pagiging mapariwara ng mundo para sa kaniya, sa isang cellphone app siya nakahanap ng mapagsasabihan ng kaniyang mga pinagdaraanan sa buhay. Lahat ng saya, lungkot, poot-naibuhos niyang buo sa app na tinawag bilang Daylio.
This became his routine not until an unlikely trio came into his life. Matututunan kaya niyang buksang muli ang kaniyang buhay sa mga taong ito o hahayaan na lang niya ang sariling malunod sa agos ng pag-iisip?