Kahit na palaging nakatambay si Wonwoo sa park ay namamangha pa din siya kapag nakikita ang nasa paligid niya. Madalas kasi ay nakasubsob lang siya sa libro. May magandang lawa sa harap na may mga bibe, may mga ibon din na nakikita niyang hinahagisan ng pagkain ng mga tao, may mga batang nagtatakbuhan at parang tuwang tuwa habang naglalaro. Lahat ng mga ito ay natutuwang panuorin ni Wonwoo, pero siguro ay magiging mas masaya siya kung naririnig niya din ang mga ito. --- Twitter Format Narrative On going