Para kay Elise Samaniego, wala na siyang mahihiling pa. Masayang pamilya at mabait na kasintahan ay nasa kanya na. Subalit, ang mundo niyang sintayog ng pinakamataas na gusali ay biglang bumulusok paibaba. Nalaman niyang hindi siya tunay na anak at sa mismong araw din na 'yon ay hiniwalayan siya ni Dr. James Romero, ang boyfriend niya nang anim na taon. Babalik lang daw ito sa kanya oras na alam na niya kung paano mahalin ang sarili at matutunan ang "four statements", maging ang kanilang tunay na kahulugan.