"Ano kayang mangyayari kung sinubukan natin dati?... Paano kaya kung nilaban natin?... Paano kaya kung binalewala natin yung mga sinasabi ng ibang tao? Paano kaya kung mas naging mature pa tayo nung mga panahon na yun? Do you think we will gonna work out?" Ramdam ko sa bawat salitang binibitawan ni Jp ang labis na panghihinayang. Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nakita kong nakatingin din pala siya sa'kin kaya naman agad din ako umiwas ng tingin. "Zeph, what if hindi ako natakot? Paano kaya kung mas nagpakalalaki ako dati? What if hindi kita nasaktan nuon? Sa tingin mo, tayo padin hanggang ngayon?" Napabuntong hininga ako at dahan- napalunok. "No, Jp" nilingon ko siya at mapait akong napangiti. Napaigting siya ng panga at napatango tango bilang pagsang-ayon. "Kasi... Sabi mo dati hindi mo naman talaga ako minahal diba? Sabi mo nuon, what you feel for me was just infatuation." Napatingin ako sa malayo at huminga ng malalim kasabay nito ang pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko. "Sabi mo pa nun, naging sandalan mo lang ako nung mga panahong hinang-hina ka. Nasaktan ako nung nalaman ko na ginamit lang ako para maghilom yung sugat na dinulot sayo ng ex mo. Pero masaya narin ako kasi yung kapalit nung sakit na yun, ay yung muling pagsaya mo, hindi nga lang sa piling ko." Pagpapatuloy ko. " I'm sorry... " Napatingin ako pabalik sa kanya at ngumiti, bago tuluyang umalis.All Rights Reserved