Si Sharlene San Pedro ay isang simpleng babae na may mataas na pangarap. Kayang gawin ang lahat maisakatuparan lang ang hangad ng kanyang namayapang magulang- 'yon ay makapagtapos siya ng pag-aaral. Nagtrabaho sa isang bar upang matustusan at matugunan ang bawat pangangalingan niya sa bawat araw. Hanggang sa napagkamalang siyang siya ang pumatay sa isang kilalang multi-billionaire. Inakusahan, pinagbintangan, at nakulong ng ilang taon sa kasalanang hindi naman niya ginawa. Pinangako sa sariling babangon siya at paghihigantihan ang taong gumawa nito sa kanya. Makakamit kaya niya ang hustisyang ninanais niya para sa sarili? Si Donato Anthonio Pangilinan, siya ang nag-iisang apo ni Don Juan Pangilinan. Gwapo, asensado, at sobrang playboy. Maagang naulila dahil parehong namatay ang kanyang mga magulang sa airplane crash ng pauwi na ito galing Paris, France. Ang kanyang lolo ang kanyang naging kasama ng namatay ang mga ito. Ngunit isang araw nakarating nalang ang balita sa kanya na wala na ang kanyang pinakamamahal na lolo. Pumanaw daw ito dahil naparami ang inom nito ng alak kaya inatake sa puso. Ano nalang ang mangyayari sa kanya ngayong siya nalang mag-isa? Hanggang sa nagtagpo ang landas nilang dalawa. Ano kaya ang magiging papel nila sa buhay ng isa't-isa? Date Published : July 01, 2020 Date Finished :