
Parang siyang niyebe, malamig ngunit maganda. Sabi nila'y ugali niya'y walang kasing sama, Ngiti niya'y parang may binabalak na hindi maganda, Sa mga kasinungalingan niya'y maniniwala ka. Akala ko nung una hindi ako mahuhulog sa kanya. Para sa'kin mga ngiti niya'y kakaiba. Tila'y may tinatagong nakakahiwatig sa iba. Kislap ng kanyang mga mata, Parang may tinatagong luha. Nung una hindi ko inakalang mamahalin ko siya. Wala akong pakealam kung masama siya. Basta isa lang ang sigurado ko, Minamahal ko siya, maging sino man siya.All Rights Reserved
1 part