Hindi porket gusto niyo ang isa't-isa ay maaari nang maging kayo. Ako si Summer Autumn Scott, nagmahal ng lalaking kinamumuhian ko dahil sa kanyang mala-basurang ugali ngunit ng makilala ko ang totoo siya ay hindi ko inaasahang mamahalin ko siya. Ngunit, paano kapag naglaro ang tadhana? Kasabay ng aming pag-iibigan ang pagsibol ng mga sikretong pilit na itinatago. Nakaraan na pilit binabaon sa limot pero pilit kumakawala. Magiging kami pa kaya sa huli kapag naglaro ang tadhana? Subaybayan ang aming kwento!