Noon ang buhay ko ay simple lang at palaging nakatututok sa kung anong priorities in life ko. Noon tinitingala ko lang ang pitong sikat na lalaki sa campus. Gusto ko na maging katulad nila na makilala ng ibang estudyante. Gusto ko na pahalagahan o at least maging mahalaga man lang sa ibang tao hindi lang sa mga kaibigan ko. Ang buhay ko ay hindi naman boring pero malapit na, konting konti na lang. Kuntento na ako kaso bigla na lang nagkaroon ng twist. Iyong mga impossible dream ko unti-unting natupad at dahil iyon sa pitong lalaking iyon. Ang mga bagay na wala naman akong balak alamin ay nalaman ko. Ang misteryo at mga tanong sa puso ko ay unti-unting nagkaroon ng kasagutan pero sa ibang paraan. Sa paraan na hindi ko alam kung mapapahamak ako o magpapa angat sa akin sa buhay kung ito. Hindi ko rin alam kung magiging threat sila o makakatulong sa akin.