Kung minsan talaga ay hindi natin matantiya ang panahon. Yung sobrang init tas bigla na lang palang uulan. Minsan naman sobrang dilim ng kapaligiran na akala mo uulan, pero nagdaan ang ilang oras ay sumilay na si haring araw. Kahit sabihin na natin na may mga weather broadcast, lahat ng iyon ay wala paring kasiguraduhan. Ang panahon ay pabago-bago, minsan nga hindi natin inaasahan ang pagbabago nito. Katulad ng buhay natin, kahit gaano pa ito ka planado, ka perpekto, at kahit gaano pa ito ka matiwasay, may mga bagay talaga na mag-iiba taliwas sa ating inaasahan. Yung akala natin na ok na, bigla nalang mag-iiba at mawawala, yung akala natin na natupad na yung mga pangarap natin, bigla nalang tayong magigising at malamang hindi pa pala. Pero ano ba ang dapat nating gawin upang maging handa? Kailangan pa ba natin ng sandamakmak na seminar? Paano nga ba? Ano ba ang dapat natinf gawin para maging handa? Pero pano naman kapag nasa sitwasyon kana? Magpapatuloy ka pa ba, o aatras na lang? Kaya mo bang sumuong sa kahit anong panahon? Kaya mo bang kalabanin ang bumugsong ulan? Kaya mo bang makipaglaban, o uuwi ka nakang luhaan? Date Started: May 23, 2020 Date Ended: ???