Mayroong isang babae ang mapaglaro ng damdamin ng mga lalaki, ang hahamakin ng tadhana kung hanggang saan ang kakayanin nito. Mayroong darating sa buhay niya na muling magpapatibok ng kanyang puso na halos walang pinagkaiba sa kanyang dating gusto. Nagustuhan nila ang isa't-isa ngunit may mga hadlang sa kanilang pag-iibigan tulad nalang ng nanay ng binatang kanyang nagugustuhan na iba ang gusto para sa kanyang anak. Ikaw? Kakayanin mo bang ilaban ang pagmamahalan niyo ng taong mahal mo kahit na maraming tutol sa pagmamahalan niyo?