Kaga-graduate lamang ni Hanea kaya naisipan niya munang rumaket bago lumuwas ng Maynila, doon niya kasi napiling magtrabaho. Pumasok siya bilang singer ni Chroniel-ang kumakandidatong gobernador ng kanilang rehiyon. Sa pagdaan ng mga araw ay hindi niya inaasahang pwede pa palang lumalim ang kanyang paghanga rito, ngunit sino ba naman siya para mapansin ng binata. Ipinangako niya sa sariling hindi siya aamin dahil alam niya kung hanggang saan lang ang lugar niya. Ngunit, ano itong ipinapakita ni Chroniel? Hindi niya maintindihan kung likas lamang ang pagiging mabait nito o sadyang iba lamang ang kanyang pagkakaintindi. Masama bang umasa kapag mayroon namang nagpapakita ng motibo?