Marsha Lorraine Gatchalian. Mula pagkabata ay isinapuso na niya ang pagiging mapagbigay para sa pamilya. Panganay sa limang magkakapatid. Tandang-tanda pa niya ang paulit-ulit na paalala sa kanya ng kanilang yumaong ina ng mga panahong nabubuhay pa ito. "Kapatid muna bago ang sarili. Tandaan mo ikaw ang panganay." Na siya niyang ginawa. Kaya ngayon sa edad na trenta y uno ay N.B.S.B pa din si Marsha. As in no boyfriend since birth. Lagi na nga lang siyang laman ng kantiyawan ng mga kaibigan. Pangarap din naman niya na makahanap ng lalaking pakaiibigin siya. Na magkaroon ng sariling pamilya balang araw. Hanggang sa makilala niya si Ian, isang bagong pasok na inhinyero sa kumpanyang kung saan siya nagtatrabahaho. Magpipilit itong paibigin ang puso niyang walang karanasang magmahal. Magagawa nitong paamuin ang puso niyang mailap sa pag-ibig. Pareho silang nahulog at umibig sa isat isa. Ang tahimik niyang mundo na umiikot lamang sa kanyang pamilya, unti-unti ay magkakaroon ng kakaibang sigla. Ngunit ng inaakala ni Marsha na abot-kamay na niya ang minimithi sa mga piling ng lalaking minamahal ay saka naman darating ang isang malaking problemang susubok sa katatagan niya pati na rin ng kanyang pusong mapagsakripisyo. Makakamit pa kaya niya ang pag-ibig na inaasam? O mananatiling pangarap na lamang ang lahat?All Rights Reserved