" Pinaka ayoko sa lahat ay yung mga babaeng mahilig sa Kpop" yan ang linyang tumatak at dumurog sa puso ni Reia noong nagtapat siya ng pag ibig sa kanyang first love noong highschool pa lamang sila. Simula noon ay pinangako niya sa kanyang sarili na maghihiganti siya sa pamamagitan ng pagiging isang succesful na Idol. Ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya biniyayaan ng talento sa pagsayaw kaya binalak niya na lang sana maging isang Solo Singer. Pero dahil sa di inaasahang pangyayari at sitwasyon sa Entertainment Company na balak niyang pasukan, ay biglaan siyang napunta sa pagiging isang Manager ?? AT sa laking gulat niya, ang hahawakan niya palang grupo ay isa sa mga pinaka-anticipated na P-Pop/K pop Boy Group sa henerasyon na ito ! Tunay ngang mapaglaro ang tadhana, dahil isa sa mga miyembro ng grupong ito ay ang FIRST LOVE niya. Matupad kaya ang kanyang pangarap at inaasam na paghihiganti ? O tuluyan uli siyang mahulog muli sa pag ibig ?