Ako, na nakakadena pa rin sa kahapon. Ako, na nakakadena pa rin sa alaala nating dalawa. Ikaw, na hanggang ngayon ay laman pa rin ng puso ko. Di ko malimutan at di ko kayang kalimutan kung paano tayo pinagtagpo. Kung paano ka naging parte ng maliit ko'ng mundo. Kung paano mo binago ang katulad ko. Masasabi kong Langit ka, at Lupa naman ako. Magkaibang - magkaiba ang buhay nating dalawa, ngunit hindi yun naging hadlang upang maipakita mo sakin na totoo ang nararamdaman mo... Ngunit iyon ang akala ko. Akala ko, tayo na. Akala ko, totoo na. Hindi pala. Mali pala. Isang malaking pagkakamali ang magtiwala sayo.
1 part