Salin sa wikang Filipino ng 1912 classic na "The Prayer Life". Ito'y isang napapanahong akda lalo pa't dumaraan ang bayan ng Diyos sa isang pandemyang nagdadala ng takot at bagabag sa marami. Ang takot ay mapapawi kung matututunan ng anak ng Diyos ang makipag-ugnayan nang malapitan kay Yahweh, sa pamamagitan ni Cristo Jesus, doon sa tinatawag ni Rev. Andrew Murray na "inner chamber" o kaloob-loobang silid. Ang bawat tunay na mananampalataya kay Jesus ay mayroon nito. Nakalulungkot lamang isipin na marami sa ating mga Kristiyano ang bibihira kung pumasok sa silid na iyon.
Kung nais mong mapalakas ang pananampalataya mo sa mga panahong ito, kung nais mong mapagtagumpayan ang sarili mong kakulangan sa pananalangin at mapatibay ang ugnayan mo sa Diyos, ang aklat na ito ay para sa iyo.
***
[Pansamantalang pabalat ng aklat (temporary book cover design): from free downloadable church promotion template at postermywall.com]
⇨ Malungkot ba ang pasko mo? O masaya dahil kasama mo ang pamilya mo?
⇨ Ikaw ba ay nanlalamig dahil hindi mo kasama ang iyong mga mahal sa buhay? O nararamdaman mo ang init ng kanilang pagmamahal dahil kasama mo sila at di ka malulumbay?
⇨ Nakasimangot ka ba dahil walang handang nakahain sa inyong mesa? O nakangiti ka dahil iba't ibang masasarap na pagkain ang nakahain ngayon sainyong mesa?
MALUNGKOT o MASAYA
NANLALAMIG o NAG-IINIT
NAKASIMANGOT o NAKANGITI
Alin man diyan ang mararamdaman mo ngayon, puwes! Para SAYO ang babasahing ito! :)
We may experience disappointments or heartache during the Christmas season, but Jesus and His salvation always gives us reason to celebrate.