Naiwang sawi't luhaan sa harapan ng malaking simbahan ang bride na si Summer ng hindi siya siputin ng kanyang groom, pitong taon na ang nakalilipas. At kasabay din nung araw na yun ay isinumpa niya sa harapan ng simbahan na sa oras na muling magtagpo ang kanilang landas ay sisiguraduhin niyang siya naman ang mang iiwan nito sa harapan ng simbahan katulad ng ginawa nitong pang iiwan sa kanya. Tuluyan niya kayang mapagtagumpayan ang plano niya o siya kaya itong tuluyang mahulog sa sarili niyang patibong at muling maiwan sa harapan ng simbahan sa pangalawang pagkakataon?