Paano kung bumalik yung taong iniwan mo pero iniwan ka din? Paano kung yung akala mong tamang desisyon mo ay mali pala? Paano kung yung taong akala mong hindi mo kilala ay kilala mo pala? Madaming tanong, madaming pagsubok, pero paano mo malalaman kung takot ka namang subukan.
Sa mundong mapaglaro, Sa mundong ilang beses ko nang binalak talikuran, Sa mundong hindi klaro kung tama ba o mali ang ginagawa ko. Sa bawat luhang tumulo, Sa bawat pagbilis nang tibok ng puso, Sa bawat desisyon na aking nagawa dahil sa tingin ko ay tama, Sa bawat pagkakamali ko, ipinadala ka niya para subukin ako. Ipinadala ka niya para malaman ko lahat nang dapat kung malaman. Ipinadala ka niya para ituwid lahat ng ito.
Sa magulong mundo, pinili mo pa rin ang samahan ako. Sa gitna ng bagyo, pinili mo pa ring samahan akong suungin ito. Sa kabila nang lahat ng pagsubok at pagod na ibinigay ko sa iyo, tumayo ka pa rin para piliin at balikan ako para maging muling tahanan ko.
Ang kwentong ito ay pawang kathang isip lamang na may halong karanasan sa nasasabing isturya na tungkol sa karanasang sexual nang lalaki sa lalaki.
ang Kwentong ito ay para lamang sa mga edad 18 pataas
babala po sana sa makakabasa at may balak palamang kung di ninyo po nagustuhan ang kwento paki lisanin nalamang para iwas po sa mga toxic na tao..
please like and vote .. ty