Several years ago, nagpa-checkup ako kasi sumasakit ang tiyan ko. Sabi ng gastroenterologist ko, may acid reflux ako with mild esophagitis. Ang "prescription" sa akin ng doktor ko bukod sa mga gamot-boyfriend. Oo, boyfriend. Hindi niya isinulat sa reseta kasi walang nabibiling ganoon sa drug store pero paulit-ulit niyang sinabi na parang gusto ko nang isigaw sa mukha niya na, "Stop judging me because I'm single!" Naguluhan ako nang time na 'yon kung para saan ang "boyfriend" na sinasabi ni Doc. Kailangan ba ng romansa ng esophagus ko? Kailangan ko bang makipag-esophagus to esophagus sa boyfriend para matanggal ang sakit ko? Then he explained that my case was very likely stress-related. Nakakawala daw kasi ng stress ang boyfriend. Weh? He-he. Naalala ko si Doc at ang nakakalokang "prescription" niya kaya naisipan kong gamitin ang eksenang iya sa nobela ko.All Rights Reserved