Copper despised criminals more than anyone in the world. Isang masakit na pangyayari sa buhay niya ang pagkamatay ng unang babaeng pinahalagahan niya dahil sa isang serial killer. He vowed to eliminate murderers especially the one who killed Ayano. Nakita niya ang taong hinahanap sa Pilipinas. Sa isang misyon mula sa organisasyong kinabibilangan na sangkot ang isang malaking security agency. Plano niyang isa-isahin ang mga agents sa R-section ng ahensiya. Patayin kung kinakailangan. Hanggang sa matagpuan niya ang taong iyon. On the middle of his mission, he met Heidi. Isang babaeng kinagiliwan niya na aksidenteng na-recruit ng ahensiya. A hardworking woman who knew some fighting stance. Di niya ito nagawang balewalain dahil alam niyang inosente ito. Subalit iyon lang ba talaga ang rason niya? Bakit natagpuan niya ang sariling pinoprotektahan ito kaysa unahin ang kanyang misyon? Dahil ba 'yon sa tapang na nakikita niya sa mga mata nito sa kabila ng takot? O dahil hindi niya matanggap sa sarili niya na apektado siya sa pisikal na kagandahan nito? Kung ano man ang nararamdaman niya, saan siya nakatakdang dalhin no'n?
44 parts