Totoo ba na kapag pinatawad mo ang isang taong ilang beses kanang sinaktan napakatanga mo na?
Napaka boba't gaga mo na? Eh paano kung mahal mo lang talaga?
Oo na tunog tanga na,Pero wala eh mahal ko lang talaga,Madami na kaming pinag daanan na nakakasakit sa puso.Pero kami parin, open arms ko syang Tinatanggap kumbaga,At ganon din sya sakin,Hindi ako perpekto may pagkukulang din ako at pagkakamali.
Nasaktan ko sya Nasaktan nya ko,Sinaktan ko sya Sinaktan nya ko,Pero ang tanong malilimut pa bang mga sakit? Makakalimutan pa ba ang bawat luhat,hinagpis na nagdaan?
Paano kung hindi na? Paano kung huli na? Paano kung tumagos na at hindi na kaya? Na nakakasawa na? Na dapat nang i let go? Susuko na ba o kakapit pa?
Kapag nagmahal tayo binibigay natin ang lahat para sa ikakaganda ng isang relasyon....
Ngunit paano kapag ginawa kanang tanga ng taong mahal mo?
Magpapakamartyr ka ba para lang hindi masira ang relasyon niyo na matagal mo ng alam na sira?
Na dahil sa isang tao na akala mo kilala ngunit hindi pa pala...
Kaya niyang gawin ang lahat para mawala sayo ang taong pinakamamahal mo...
Ngunit ang pinakamasakit na katotohanan ay nanggaling mismo sa bunganga ng taong pinakamamahal mo...
Nagpakalayo-layo ka para lamang kalimutan siya ngunit kahit anong gawin mo nandyan parin yong pagmamahal mo sa kanya ngunit sobrang sakit na ng ginawa niya...
Kaya mo pa bang magtiwala at magmahal ulit?
O natatakot kanang magmahal muli dahil tinatak mo na sa isipan mo na "paano kapag nagmahal ako ulit at masaktan lang?"
May matatawag ka pa bang YOU'RE THE ONE kung natatakot kang sumugal muli para magmahal?