Marami ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao kahit na medyo komplikado ang lahat. Pero kung tatamaan ka ng 'pag mamahal na yan. Kaya mo ng isakripisyo ang lahat alang-alang sa kanya. Walang pinipili ang pagmamahal. Minsan kakabahan ka, magugulat, maiinlove, masasaktan, magagalit, mababaliw, matatakot. Dahil sa pagmamahal natin, doon tayo naguumpisa lahat. Di man natin minsan maintindihan ang mga bagay bagay pero mabibigyan ka ng importansya at pagmamalasakit sa iba.